Naiinis ako. Kasi hindi tayo magkikita sa espesyal na araw na to. Malungkot, pero wala naman tayong choice, may kanya-kanya tayong priority sa buhay. Masaya, kasi isang taon na tayo… isang taon na tayong may paikot-ikot na kwento.
Pero alam mo, hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang lahat. Hindi ko alam kung pano ko magpapasalamat at magsosorry sa lahat ng kapalpakan ko sa relasyon natin. Mahirap na kasing isa-isahin, baka abutin ako ng bukas.
Sa totoo lang, kanina pa ko nagtatype ng ipopost. Nagkkwento na ko kanina, kaso binura ko rin lahat. Naisip ko kasing hindi ko naman na kailangan magkwento, para san pa? Mas masaya kasi siguro kung tayong dalawa na lang ang aalala sa lahat ng bagay. Gagawa tayo ng timeline. Kaso parehas tayong may memory gap.
Isang taon na tayo, isang taon na kong tuwang tuwa sa buhok mo na nung una eh mas mahaba pa sa buhok ko. Isang taon na rin akong tuwang tuwa sa ilong mong ubod ng tangos. Isang taon na kong kinikilig pag naggigitara ka. Isang taon na rin simula nung naging opisyal na parte ka ng bawat araw ko at ng buhay ko. Isang taon na pala, Ai. Isang taon na pala…
Pero alam mo, mahigit isang taon na kitang mahal. Mahigit isang taon na kong masaya dahil sayo. Salamat sa lahat, mahal na mahal kita. Naka-ISANG TAON na tayo, sana hindi lang ito. Sana marami pa, sobrang dami pa.
:)
(Source: larmoyante, via quote-book)
How do people, like, not curse? How is it possible? There are these gaps in speech where you just have to put a ‘fuck.’ I’ll tell you who the most admirable people in the world are: newscasters. If that was me, I’d be like, ‘And the motherfuckers flew the fucking plane right into the Twin Towers.’ How could you not, if you’re a human being? Maybe they’re not so admirable. Maybe they’re robot zombies.